ibigay ang gusto, ibigay ang hilig…
minsan may mga bagay-bagay na hindi natin inaasahan na sumusulpot. sa mga panahon pa minsan na ito ay hindi natin naiisip na darating o di kaya sa mga pangyayaring hindi natin inaasahang lilitaw. mga hindi mo inaasahan na magiging kadikit mo sa nakapasandaling panahon. para bang matagal mo na siyang kilala, ngunit hindi. minsan may dumarating na tipong may maramdaman ka, taliwas nga lang sa isa… gusto man itulak, nagiging magulo lang ang utak. pag ito ay naiisip mo, minsan kailangan halughugin ang mga bagay bagay ng iyong nakaraan. saka ko naisip nanaman si dion, ang aking kaibigan, ang sinabi nya tungkol sa ugali ko na gusto ko nagiisa, nagiisip, walang istorbo kahit multo bawal gumambala. napagtanto tanto ko, tama siya. dito muna ako sa silid ko. mag-iisa at mag-iisip ng ibang mga bagay. ibigay ang hilig ng iba. saka na yung para sa akin, para sa iba muna. gaya ng dati… paalam muna.