friendster at hiwalayan
nagkamali na’t lahat lahat, sige pa din ang paninindigan sa unang inaakala ay tama, maling pagiisip sa taong lubusang di kilala. una ay sinakyan at tinawanan ng lalake ang panghuhusga sa kanya na siya ay nambababae, hanggang sa naging magulo at tuluyang palitan ng masasamang salita ng taong dati ay nagmamahalan na ngayon ay nagsasakitan. matatalim na pananalita binibitawan ng isat isa, panandaliang kaluwagan ng loob sa bawat salitang nakapaninira ng damdamin. nagdadalawang isip sa inaasahan pakikipagbalikan dahil sa paninindigan na wala siyang kasalanan at nahusgahan lamang sa mga kumento ng mga kaibigang nagkakagusto sa kanya o di kaya’y kaibigang kadikit nya na kung ituring ay kamag-anak.
ang masaklap dito… friendster ang pinagmulan. hindi na bago sa pandinig, ilang beses na din ako nakarinig ng naghihiwalay dahil dito nakakatawa at minsan … nakakalungkot.
June 16th, 2006 at 5:27 am
uy liyam kumusta ka na? may problema ka ba? ok lang yan, kung ano man ang problema may solusyon din yan. ingat palagi…
June 16th, 2006 at 6:23 am
ano to!? ^^
June 16th, 2006 at 4:50 pm
ok lang ako dada, naglabas lang ng sama ng loob. natae kung baga hehehe. asang lupalop ka ng mundo ngayon?
Antemorten: basta hehe
June 17th, 2006 at 8:59 am
naku liyam wala ka na naman tulog bwaahahahaa…, matulog ka kasi kung ano ano nasa isip mo ^_^
June 18th, 2006 at 3:13 pm
parati nmn kitang knkmuzta bkt ‘di mo nabanggit skn ang mga ganyang bagay2?
June 20th, 2006 at 1:55 am
bevs: di ako makatulog.. ang init eh.
bart: ayoko may karamay eh… tama na ung ako na lang. ehehehe