Archive for June, 2006

friendster at hiwalayan

Friday, June 16th, 2006

nagkamali na’t lahat lahat, sige pa din ang paninindigan sa unang inaakala ay tama, maling pagiisip sa taong lubusang di kilala. una ay sinakyan at tinawanan ng lalake ang panghuhusga sa kanya na siya ay nambababae, hanggang sa naging magulo at tuluyang palitan ng masasamang salita ng taong dati ay nagmamahalan na ngayon ay nagsasakitan. matatalim na pananalita binibitawan ng isat isa, panandaliang kaluwagan ng loob sa bawat salitang nakapaninira ng damdamin.  nagdadalawang isip sa inaasahan pakikipagbalikan dahil sa paninindigan na wala siyang kasalanan at nahusgahan lamang sa mga kumento ng mga kaibigang nagkakagusto sa kanya o di kaya’y kaibigang kadikit nya na kung ituring ay kamag-anak.

ang masaklap dito… friendster ang pinagmulan. hindi na bago sa pandinig, ilang beses na din ako nakarinig ng naghihiwalay dahil dito nakakatawa at minsan … nakakalungkot.